MGA MAKRONG KASANAYAN - PowerPoint PPT Presentation

About This Presentation
Title:

MGA MAKRONG KASANAYAN

Description:

MGA MAKRONG KASANAYAN PAKIKINIG PAGSASALITA PAGBASA PAGSULAT Panimula Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong berbal man o sa anyong di-berbal, ang kanyang ... – PowerPoint PPT presentation

Number of Views:6543
Avg rating:3.0/5.0
Slides: 72
Provided by: mgbat
Category:

less

Transcript and Presenter's Notes

Title: MGA MAKRONG KASANAYAN


1
MGA MAKRONG KASANAYAN
  • PAKIKINIG
  • PAGSASALITA
  • PAGBASA
  • PAGSULAT

2
Panimula
  • Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong
    berbal man o sa anyong di-berbal, ang kanyang
    kakayahan sa larangan ng pagpapahayag ay lagi ng
    nasasangkot. Sa kahusayan niya sa pagpapahayag
    nakasalalay ang linaw ng mensaheng nais niyang
    iparating sa kanyang kapwa.
  • Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa
    at maayos na paraan ng pagpapahayag tungo sa
    isang matagumpay na pakikipagkomunikasyon,
    nararapat na paunlarin niya ang kasanayang
    pangwika. Ang kasanayang pangwikang ito ang
    magiging tuntungang kaalaman ng isang tao upang
    mabisa niyang maipahayag ang mensaheng nais
    niyang ipaabot.

3
  • Sa pagtuturo ng wika nararapat lamang na ilantad
    sa mga mag-aaral ang ibat ibang makatotohanang
    gawain upang iparanas sa kanila ang tunay na
    gamit ng wika. Maaaring bigyan sila ng maraming
    babasahing aklat, palikhain ng tula at pasulatin
    ng maikling dula, paguhitin ng magagandang
    tanawin lahat ng mga karanasang itoy
    magsisilbing matibay na pundasyon sa pagkakaroon
    ng mag-aaral ng isang maunlad na wika.

4
Paano nalilinang ang mga kasanayang pangwika?
  • Nalilinang ang kasanayang pangwika sa palagiang
    pag-iisip na ang kasanayang sa paggamit ng wika
    ay nasa mga arena ng komunikasyon. Ang pagkatuto
    ng wika ay nagiging mabisa kung mabibigyan nang
    maraming pagkakataon ang mga mag-aaral na
    makipagtalastasan sa kanilang mga kaklase.
    Samakatuwid, ang isang klasrum na
    nakapagpapayaman sa pag-unlad ng wika ay iyong
    kung saan ang mga mag-aaral ay aktibong
    nagbabahagi ng kanilang mga personal na ideya at
    karanasan at nagagawang maisaalang-alang ang mga
    ideya at kaisipan ng ibang tao tulad ng kanilang
    mga kaklase, mga guro , mga awtor at mga tauhang
    nakakatagpo nila sa mga aklat.

5
Makrong Kasanayan sa Pakikinig
6
Mga Bahagi ng Tainga
7
Kahulugan ng PAKIKINIG
  • Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng
    mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at
    pag-iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito
    sa isang tao na pag-isipan, tandaan at ianalisa
    ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang
    kanyang napakinggan.
  • Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa
    mensaheng nais ipabatid ng tagapagdala ng
    mensahe. Ang sensoring pakikinig ay nananatiling
    bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa.
    At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing
    stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa
    auditory nerve patungo sa utak.
  • Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at
    gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At
    naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing
    stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa
    auditory nerve patungo sa utak.

8
Kahalagahan ng Pakikinig
  • Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan
    ng pagkuha ng impormasyon kaysa sa tuwirang
    pagbabasa.
  • Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat
    isa ay magkaunawaan at magkaroon ng mabuting
    palagayan.
  • Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong
    konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o paggunita
    sa narinig.

9
  • Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras
    ang nagagamit ng tao sa pakikinig kaysa sa
    pagsasalita dahil mas madalas ay mas gusto pa
    niya ang makinig kaysa sa magsalita. Lalo
    na ang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan.
    Mas gusto pa ang makinig sa talakayan ng guro at
    kapwa mag-aaral kaysa aktibong makilahok sa
    kanila. 45 ay nagagamit sa pakikinig 30 ay
    sa pagsasalita 16 ay sa pagbabasa 9 naman
    sa pagsulat

10
Pamamaraan sa Mabisang Pakikinig
  • Alamin ang layunin sa pakikinig
  • Magtuon ng matamang pansin sa pinakikinggan
  • Alamin ang pangunahing kaisipan sa pinakikinggan
  • Maging isang aktibong kalahok
  • Iwasang magbigay ng maagang paghuhusga sa
    kakayahan ng tagapagsalita
  • Iwasan ang mga tugong emosyunal sa naririnig
  • Tandaan ang mga bagay na nakita at napakinggan

11
MGA URI NG PAKIKINIG
  • Deskriminatibo
  • Layunin
  • matukoy ang pagkakaiba ng pasalita at
    di-pasalitang paraan ng komunikasyon.
  • binibigyan pansin ang paraan ng pagbigkas ng
    tagapagsalita at kung paano siya kumikilos habang
    nagsasalita.
  • Komprehensibo
  • Kahalagahan
  • Maunawaan ang kabuuan ng mensahe.
  • Maintindihan ang nilalaman at kahulugan ng
    kanyang pinakikinggan.

12
  • Paglilibang
  • Layunin
  • upang malibang o aliwin ang sarili
  • ginagawa para sa sariling kasiyahan
  • Paggamot
  • Kahalagahan
  • matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na
    madamayan o makisimpatiya sa pamamagitan ng
    pakikinig sa hinaing o suliranin ng nagsasalita

13
Kritikal
  • Layunin
  • gumamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng
    ganap na pag-aanalisa o pagsusuri sa paksang
    narinig.
  • Makabubuo ng analisis ang tagapakinig batay sa
    narinig
  • Malinawan ang tagapakinig sa puntong nais niyang
    maintindihan

14
Mga elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig
  • Edad o gulang
  • Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di
    kailangang mahaba ang pahayag dahil masyadong
    maikli ang kanilang interes, bukod pa sa kanilang
    kakulangan sa pang-unawa.
  • Sa mga may edad na o matatanda na hindi
    rin ay
  • hindi rin mabuti ang mahabang
    pakikinig hindi dahil
  • sa nababagot sila kundi dahil sa mga
  • nararamdamang nila sa katawan bunga ng
    kanilang
  • kantandaan, katulad ng pag-atake ng
    rayuma at ang
  • kahinaan na ng kanilang pandinig

15
Oras
  • Malaki rin ang impluwensiya ng oras sa
    pakikinig.
  • Ang isang tagapakinig na tawagan sa hatinggabi o
    sa madaling- araw ay di kasing linaw ng pakikinig
    niya sa oras na gising na gising na ang kanyang
    kamalayan.
  • May mga oras na de-peligro rin tayong tinatawag,
    ang isang nagbibigay ng panayam na malapit na sa
    oras ng tanghalian ay din na rin epektibo sa mga
    tagapakinig.
  • Ang mga estudyante na may klase sa umaga ay mas
    aktibong tagapakinig kaysa mga estudyante
    panghapon.

16
Kasarian
  • Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki
    at babae
  • Ang mga lalaking tagapakinig ay ayaw sa babaeng
    tagapagsalita dahil maligoy masyado sa
    pagsasalita at maraming sinasabi o ipinaliliwanag
    na nagiging negatibo para sa kanila kaya hindi
    pinakikinggan. At gusto rin nilang pinakikinggan
    ay ang paksang may pansarili silang interes.
  • Ang mga babae naman ay ayaw sa lalaking
    tagapagsalita dahil sa may katipiran ng mga ito
    sa pagbibigay ng paliwanag.
  • Higit na mahaba ang pasensiya ng babae sa
    pakikinig kaysa sa mga lalaki dahil madali silang
    mainip

17
Tsanel
  • Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng mensahe
    ay malaking tulong upang magkaunawaan gaya ng
    cellphone, telepono, mikropono, radyo atbp.
  • Epektibo pa ring tsanel sa pagpaparating ng
    mensahe ay ang personal na pakikipag-usap kaysa
    sa paggamit ng instrumento dahil malinaw na
    masasabi ang mensahe gayon din ang kanyang
    emosyon.

18
Kultura
  • Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng tao ay nagiging
    dahilan din ng mabuti at di-mabuting kawilihan sa
    pakikinig.
  • Ang pananalangin ng ating mga kapatid na katutubo
    ay iba sa pananalangin nating mga kristiyano.
    Parehong Pilipino pero magkaiba ng kultura.
  • Sa panayam, may mga tao na malayang
    nakapagtatanong at sumasalungat habang
    nagsasalita ang tagapanayam pero mayroon namang
    tahimik at taimtim lamang nakikinig habang
    nagsasalita ang tagapanayam at magtatanong lamang
    sila kapag tapos na itong magsalita.

19
  • Konsepto sa sarili
  • ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na
    maari niyang magamit sa pagkontra o pagsang-ayon
    sa sinasabi ng tagapagsalita.
  • Ang sariling pagpapakahulugan ng tagapakinig sa
    kanyang naririnig na mensahe ng kausap ay
    maaaring magwakas sa mabuti o di-mabuting
    katapusan.

20
  • Lugar
  • Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang
    nakahihikayat at nakapagpapataas ng level ng
    konsentrasyon ng isang tagapakinig ng isang
    panayam.
  • Ang mainit, maliit at magulong lugar ay
    nagdudulot ng pagkainis at kawalang ganang
    makinig ng mga tagapakinig.

21
MGA URI NG TAGAPAKINIG
  • Eager Beaver
  • Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti
    o tangu nang tango habang may nagsasalita sa
    kanyang harapan, ngunit kung naiintindihan niya
    ang kanyang naririnig ay isang malaking tanong.
  • Sleeper
  • Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa
    isang tahimik na sulok ng silid. Wala siyang
    tunay na intensyong makinig.
  • Tiger
  • Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay
    ng reaksyon sa anumang sasabihin ng
    tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay
    parang tigre siyang susugod at mananagpang

22
  • Bewildered
  • Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay
    walang maiintindihan sa naririnig.
    Kapansin-pansin ang pagkunot ng kanyang noo,
    pagsimangot at anyong pagtataka o pagtatanong ang
    kawalan niya ng malay sa kanyang mga naririnig.
  • Frowner
  • Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi
    na lang may tanong at pagdududa. Makikita sa
    kanyang mukha ang pagiging aktibo, ngunit ang
    totoo, hindi lubos ang kanyang pakikinig kundi
    isang pagkukunwari lamang sapagkat ang hinihintay
    lamang niya ay ang oportunidad na makapagtanong
    para makapag-paimpres.

23
  • Relaxed
  • Isa siyang problema sa isang nagsasalita.
    Paanoy kitang-kita sa kanya ang kawalan ng
    interes sa pakikinig. Itinutuon ang kanyang
    atensyon sa ibang bagay at walang makitang iba
    pang reaksyon mula sa kanya, positibo man o
    negatibo.
  • Busy Bee
  • Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa
    anumang pangkat, hindi lamang siya nakikinig,
    abala rin siya sa ibang gawain tulad ng
    pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi,
    pagsusuklay, o anumang gawaing walang kaugnayan
    sa pakikinig.

24
  • Two-eared Listener
  • Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig
    siya gamit hindi lamang ang kanyang tainga kundi
    maging ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyon
    niya sa gawain ng pakikinig. Makikita sa kanyang
    mukha ang kawilihan sa pakikinig.

25
MGA KABUTIHANG MAIDUDULOT NG AKTIBONG PAKIKINIG
  • Makinig at pahalagahan ang sinasabi ng kapwa
    upang mapaamo ang matigas na damdamin
  • Madaling maunawaan ang posisyon ng iba kung
    mataimtim na makikinig sa kanya
  • Maiiwasan ang mga negatibong pagpuna kung
    ginagamit ang pakikinig sa wastong paraan
  • Mawawala ang puwang ng di-pagkakaunawaan o
    di-pagkakasunduan kung nakikinig sa bawat
    nagsasalita
  • Madaling matulungan ang kapwa sa pamamagitan ng
    pakikinig
  • Matutuklasan ang mgakainaan ng bawat isa tungo sa
    pagbabago sapagkat masususri at maaanalisa ang
    mga kahinaan sa pamamagitan ng masusing pakikinig

26
MGA MALING PANINIWALA SA PAKIKINIG
  • ang pakikinig daw ang pinakamadali sa apat na
    makrong kasanayan
  • ang mga marurunog lamang daw ang mahuhusay
    makinig
  • hindi na raw kailangang pagplanuhan ang pakikinig

27
MGA HADLANG SA PAKIKINIG
  • Pagbuo ng maling kaisipan
  • Pagkiling sa sariling opinion
  • Pagkakaiba-iba ng pakahulugan
  • Pisikal na dahilan
  • Pagkakaiba ng kultura
  • Suliraning pansarili

28
B. Makrong Kasanayan sa Pagsasalita
29
Mga Bahagi ng Bibig
30
Kahulugan ng Pagsasalita
  • Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na
    maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at
    nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang
    nauunawaan ng kanyang kausap.
  • Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga
    tao ang nagsasalita at ang kinakausap

31
Kahalagahan ng Pagsasalita
  • Mahalaga ang pagsasalita dahil
  • naipaaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming
    niloloob ng nagsasalita
  • nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga
    tao
  • nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin
    ng nakikinig
  • naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang
    may kabuluhan sa kapakanang panlipunan upang
    magamit sa pagbuo ng mga patakaran at istratehiya
    sa pagpapatupad ng mga ito.

32
Mga Pangangailangan sa mabisang pagsasalita
  • Kaalaman
  • Kasanayan
  • Tiwala sa Sarili

33
Mga Kasangkapan sa Pagsasalita
  • tinig
  • bigkas
  • tindig
  • kumpas
  • kilos

34
Limang Kasanayan sa Pagsasalita
  • Pakikipag-usap
  • pakikipanayam
  • pagkatang talakayan
  • pagtatalumpati
  • pakikipagdebate

35
Pakikipag-usap
  • Sa pakikipag-usap kinakailangang
    isaalang-alang ang
  • 1. kailangang kakitaan ng paggalang sa isat
    isa
  • 2. may matapat na layunin sa pakikipag-usap
  • 3. sa pakikipag-usap, kinakailangan ng palitan
    ng ideya, huwag solohin ng isa sa alinman sa
    nag-uusap ang pagsasalita
  • 4. ang pokus ng usapan ay may kinalaman sa
    interes at karanasan ng nag-uusap
  • 5. ang pag-uusap ay likas, bukal at kusang-loob

36
Pakikipanayam (Interbyu)
  • Mga dapat tandaan sa pakikipag-ayos/pagsasagawa
    ng pakikipanayam
  • Pakikipagtipan sa kakapanayamin, pagtatakda ng
    araw, oras, at lugar na maluwag sa kakapanayamin
  • Pagbanggit sa kakapanayamin tungkol sa
    pangkalahatang paksa
  • Pagtatala ng mga katanungan na maaaring itanong
    sa kakapanayamin
  • Maging maayos sa pananamit at dumating sa takdang
    oras
  • Maging magalang, makinig ng mataman at magpakita
    ng kawilihan
  • Iwasan ang pagtatanong na makaka-ofend sa
    kinakausap at mga katanungang sinasagot ng oo o
    hindi lamang
  • Magpasalamat sa kinakapanayam pagkatapos ng
    interbyu

37
Pangkatang Talakayan
  • Mga dapat tandaan kung kalahok sa pangkatang
    talakayan
  • 1. Pakinggan ang bawat sasabihin ng mga
    kasama sa
  • pagtatalakayan
  • 2. Makibahagi, huwag matakot maglahad ng
    katotohanan,
  • huwag manatiling tahimik
  • 3. Huwag lilihis sa paksang pinag-uusapan na
    maaaring
  • makapagpabagal sa talakayan
  • 4. Magkaroon ng bukas na isipan
  • 5. Iwasan ang maling pangangatwiran at
    pag-iisip, huwag
  • sasalungat sa katuwiran ng higit na
    nakararami
  • 6. Iwasan ang pagiging mapagmataas o
    makipag-alit sa
  • mga kasama

38
Pakikipagdebate o pagtatalo
  • Tungkol sa pagtuligsa
  • a. Ipahayag ang kamalian ng kalaban
  • b. Ilahad ang walang katotohanang sinabi ng
    kalaban
  • c. Talakayin ang mga kahinaang katibayan ng
    kalaban
  • d. Ipahatid na wala sa paksa ang mga
  • patunay at katuwiran ng kalaban
  • Tungkol sa pagtatanong
  • a. Magtanong tungkol sa talumpating kabibigay ng
  • sinundang tagapagsalita
  • b. Di dapat magtanong ang dalawang tagapagsalita
    sa
  • iisang tagapagsalita
  • c. Huwag payagang magtanong sa kanya ang
    kalaban
  • kung siya ang nagtatanong

39
Uri ng talumpati
  • Impromptu
  • Ito ay biglaang talumpati na binibigkas nang
    walang ganap na paghahanda.
  • Gabay sa pagbigkas ng biglaang talumpati
  • Maglaan ng oras sa paghahanda
  • Magkaroon ng tiwala sa sarili
  • Magsalita nang medyo mabagal
  • Magpokus sa paksa habang nagsasalita

40
Extemporaneous
  • Ito ang pagbigkas sa isang kompetisyon na
    walang tiyak na kahandaan sa pagbigkas.
  • Mga itinakdang konsiderasyon para sa extempore
  • Limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa
    at sa mismong paligsahan
  • Pagtatakda ng oras sa pagtatalumpati

41
Pinaghandaang talumpati
  • Ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang
    talumpati, may paghahanda at kailangang memoryado
    o saulado ang pyesa bago bigkasin ang talumpati.
  • Pagbasa ng papel sa panayam o kumperensya
  • Ito ang kasanayang pagsulat ng papel na
    babasahin sa kumperensya, ang pag-oorganisa ng
    mga ideya at ang pagsulat ng panimula, katawan at
    wakas/konklusyon ay dapat na magkakaugnay at may
    kaisahan.

42
Kahinaan sa pagtatalumpati
  • 1. Nauumid, nauutal at hindi makapagsalita ng
  • maayos kapag nakaharap sa maraming tao.
  • 2. Masyadong magalaw ang katawan at hindi
  • nakapokus ang pansin sa mga nakikinig
  • 3. Hindi maramdaman ng mga tagapakinig ang
  • kataimtiman at katotohanan ng bawat salitang
    binibitiwan.
  • 4. Masyadong mahina ang tinig at hindi sapat
    upang
  • marinig ng lahat ang sinasabi ng
    mananalumpati

43
Mga mungkahi kung paano makapagsasalita ng maayos
sa harap ng madla
  • Magkaroon ng positibong pananaw, isiping kaya
    mong magsalita sa harap ng madla. Isipin ding
    hindi nag-iisa, dahil lahat ng tagapagsalita ay
    kinakabahan sa mga unang segundo o munuto ng
    pagsasalita.
  • Magtiwala sa iyong sarili, isiping may mahalagang
    ideya na ibabahagi sa madla.
  • Tanggapin mo ang iyong sarili, ang iyong tagumpay
    at kabiguan, ang iyong kalakasan at kahinaan, ang
    iyong kagandahan at kapintasan, isiping maging
    ang mga taong may depekto ay maari ring
    magtagumpay.
  • Magkaroon ng marubdob na pagnanasang maging
    mahusay na tagapagsalita.

44
  • Harapin mo ang takot, huwag mong takasan. Hindi
    ka magkakaroon ng karanasan kung hindi mo
    susubukan.
  • Magpraktis ka ng magpraktis. Magsimula sa
    pagharap sa maliliit na pangkat hanggang sa
    malalaking madla.
  • Isiping ang mga madlang tagapakinig ay
    palakaibigan at hindi mapanghusga.
  • Magdasal, humingi ng lakas at dunong sa Poong
    Maykapal.

45
Makrong Kasanayan sa Pagbasa
46
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa
  • Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag
    na simbolo ng kaisipan. Pagpapakahulugan ito ng
    mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan.
  • Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa
    pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan
    sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina.
  • Ang mpagbabasa ay susi sa malawak na karunungan
    natipon ng daigdig sa mahabang panahon.
  • Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay
    nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa
    buhay, nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga
    di-inaasahang suliranin sa buhay.

47
  • Ang pagbasa ay nakapagpapataas ng uri ng panlasa
    sa mga babasahin
  • Ayon kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi
    pagbibigay tanong lamang sa mga salitang binabasa
    kundi pangangatwiran at pag-iisip.
  • Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng
    impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at
    krunungan. Itoy isang aliwan, kasiyahan,
    pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at
    nakapagdudulot ng ibat ibang karanasan sa buhay.

48
Bumabasa ang tao dahil sa ibat ibang kadahilanan
  • may nagbabasa upang kumuha ng dagdag kaalaman o
    karunungan
  • may nagbabasa dahil gusto niyang malaman ang
    nangyayari sa paligid, ayaw niyang mapag-iwanan
    ng takbo ng panahon
  • may nagbabasa upang maaliw o malibang , mabawasan
    ang pagkainip at pagkabagot na nararamdaman

49
Apat na hakbang ng pagbasa
  • Ayon kay William S. Gray, Ama ng Pagbasa,
  • Ang pagbasa sa akda
  • Ang pag-unawa sa binasa
  • Ang reaksyon sa binasa
  • Ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga bagong
    kaalaman sa binasa at ng dating kaalaman

50
Layunin sa Maunlad na Pagbasa
  • Mapabuti ang pag-unawa at bilis sa pagbasa
  • Maihanda ang mga tiyak na kagamitan sa masaklaw
    at masidhing pagbasa
  • Makilala ang mga bpaksang pinag-aaralan upang
    matamo ang impormaasyon hinggil sa ibat ibang
    larangan tulad ng sining, agham at mga bagay na
    pangkatauhan o humanities.
  • Magamit ang pagbasa sa pagpapabuti ng mga
    kasanayan sa pakikinig, pagsasalita at pagsulat

51
  • Matamo ang pagsasarili sa pag-aaral at magkaroon
    ng mabisang pag-uugali sa pag-aaral sa tahanan,
    paaralan at aklatan.
  • Mapadalisay ang mga kasanayan sa kritikal na
    pag-iisip sa pamamagitan ng pagtataya at
    pagpapahalaga sa mga binabasa.
  • Makamtan ang kasiyahan at katuwaan na dulot ng
    pagbabasa.

52
MGA URI NG PAGBASA
  • Ang pagbasa ay mauuri ayon sa paraan at layunin
  • A. Mga uri ng pagbasa ayon sa pamamaraan
  • Mabilisang pagbasa (skimming) ang
    pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang
    tao. Nagtuturo ito sa mambabasa upang malaman
    ang pangkalahatang pananaw na matatagpuan sa mga
    aklat at iba pang nakalaimbag na babasahin.
    Tinatatawag din itong pinaraanang pagbasa at
    pinakamabilis na paraan ng pagbasa.

53
  • Ginagamit ang paraang ito sa pamamagitan ng mga
    sumusunod
  • Pagtingin at pagbasa nang mabilisan sa kabuuang
    nilalaman ng isang aklat
  • pagtingin at pagbasa ng mahahalagang datos na
    kailangan sa pananaliksik (key word)
  • pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa nilalaman

54
  • Pahapyaw na Pagbasa - (scanning) tumutukoy sa
    paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa isang
    pahina. Ito ang uri ng pagbasa na hindi
    hinahangad na makuha ang kaisipan ng sumulat
    dahil sa mahalaga ritoy makita ang hinahanap sa
    madali at mabilis na paraan. Tulad ng paghahanap
    ng telepono sa direktoryo, paghahanap ng trabaho,
    mga paupahang establisemento (buy sell),
    pagtingin sa resulta ng mga eksamen , numerong
    nanalo sa swipstiks, lotto atbp.
  • Pagsusuring Pagbasa (Analytical reading)
    nakasalalay sa mga materyales ang gawaing
    pagsusuri sa pagbasa. Ginagamit ditto ng
    matalino at malalim na pag-iisip. Nahahasa rito
    ang kahusayan ng mag-aaral sa pamamagitan ng
    kanyang mapanuring pag-iisip.

55
Pamumunang Pagbasa (Critical reading)
  • Dapat na matiyak ng mambabasa na naunawaan ang
    buong nilalaman ng akda. Sa pamumuna hindi
    lamang ang nilalaman ng akda ang binibigyan ng
    pansin. Kasama rito ang pagpuna mula sa pamagat,
    simula, katawan (nilalaman) at wakas ng akda.
    Binibigyan din ng pansin o puna ang istruktura
    ng mga pangungusap, ang mga ginamit na salita o
    istilo sa pagsulat ng may-akda. Tinitingnan din
    ang kalakasan at kahinaan ng paksa at may-akda.

56
  • Tahimik na Pagbasa (silent reading) mata lamang
    ang gumagalaw sa uri ng pagbasang ito, walang
    puwang dito ang paggamit ng bibig kaya walang
    tunog ng salita ang nalilikha ng bumabasa ng
    teksto.
  • Pasalitang pagbasa (oral reading) pagbasa ito
    sa teksto na inaangkupan ng wastong pagbigkas sa
    mga salita at sapat na lakas ng tinig upang
    sapat na marinig at maunawaan ng mga tagapakinig.

57
Masinsinang Pagbasa
  • hindi ito undertime pressure na pagbasa.
    Binibigyan dito ng guro ang mga mag-aaral ng
    sapat na panahon upang maisa-isang basahin at
    mapagtuunan ng pansin ang mga salitang bumubuo sa
    teksto.
  • Pagpapabasa sa mag-aaral sa bahay ng isang
    teksto at sa pamamagitan ng kanyang nabasa ay
    ipalahad ang buod, aral at pananaw sa kanyang
    binasang aklat. Madadagdagan ang kanyang kaalaman
    sa pamamagitan ng ganitong pamamaraan.

58
Ayon sa layunin
  • Pagbasang nakapagtuturo nagbabasa ang isang tao
    dahil mayroon siyang nais malaman o marating.
    Kailangan natin ang layuning ito upang maragdagan
    ng bago an gating dating kaalaman. Kasiya-siya
    ito dahil napapaunlad nito ang bawat larangan na
    ating tinatahak.
  • Pagbasang paglilibang - ang pagbabasa ay mainam
    gawing libangan dahil nakapagpapataas ng isip at
    diwa ng tao. Ito ang pagkain ng ating isipan at
    may kaligayahang naidudulot sa ating buhay.

59
Mahalagang Kasanayan sa Pagbasa
  • Pagkilala sa mga salita (word perception)
  • Kakayahang umunawa sa ibat ibang kahulugan ng
    salita, pagpapantig, pagbabaybay at pagbigkas
  • Pag-unawa (comprehension)
  • Kakayahan sa pag-unawa mula sa payak hanggang sa
    mas mabigat at masalimuot na bahagi ng akda.
  • pagpapahalagang literari (literary appreciation)
  • may kakayahang umunawa at pagkagiliw sa
    pagpapahalaga ng mga tradisyunal, makabago at
    napapanahong isyu.
  • Pananaliksik at pandiksyunaryong kasanayan
    (Research dictionary skills)
  • May kakayahan sa paghahanap o pagsisisyasat sa
    mga bagay at kaalamang di-makita o matagpuan

60
Limang dimensyon sa pagbasa
  • 1. Pag-unawang literal
  • 2 Pagbibigay ng Interpretasyon
  • 3. Mapanuri o kritikal na pagbasa
  • 4. Paglalapat o Aplikasyon
  • 5. Pagpapahalaga

61
  • D. Makrong Kasanayan
  • sa Pagsulat

62
Kahulugan ng Pagsulat
  • Ang pagsulat ay isang paraan upang ang
    kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa
    pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang paraan
    ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang ibat
    ibang ideya na pumapasok sa ating isipan.

63
Kahalagahan ng Pagsulat
  • Mahalaga ang pagsulat dahil
  • kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa
    iba dala na rin ng mahigpit na kompetisyon sa
    ngayon.
  • Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na
    pasanaysay, pagbibigay ng ulat, pagtatala ng
    resulta ng mga eksperimentasyon at paglikha ng
    mga papel pananaliksik dahil ito ay bahagi ng
    pananagumpay.
  • Sa daigdig ng edukasyon,kailangang sumulat tayo
    ng liham ng aplikasyon, paggawa ng balangkas
    pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo, umapila sa
    paglilikom ng pondo, sumagot sa pakiusap ng mga
    kliyente at maramipang iba.

64
Proseso ng Pagsulat
  • Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa
    pamamagitan ng pagsasanay, ng maraming
    pagtatangka at pag-uulit ng manuskrito. Maaari
    ring tularan ang iba at alamin ang kanilang
    pamamaraan sa pagsusulat lalo nat kinakailangan
    natin ito sa pakikipag-ugnayan sa buong mundo.

65
Pamamaraan ng Pagsulat
  • Pag-asinta (Triggering)
  • Kailangang may isang bagasy na magsisilbing
    daan upang tayoy sumulat. Kung tayoy may
    paniniwala sa ating sarili, matutuklasan natin
    ang mga paraan upang magtagumpay sa pagsulat.
    Makalilikha ng mabuting sulatin ang sinuman kung
    nailalagay niya ang kanyang sarili sa paksa.

66
Pagtipon (Gathering)
  • Anumang paksang napili, kasilangan pa ring
    magdaan sa masusing pagsasaliksik at pagtuklas.
    Kailangang makapangalap ng sapat na materyales at
    ebidensyag magpapatunay. Bukod sa ating sariling
    karanasan, maaari tayong magsaliksik sa dyornal,
    magazine, ensayklopedya, pahayagan, interbyu at
    maging sa panonood ng sine at telebisyon.

67
Paghugis (Shaping)
  • Habang nangangalap tayo ng mga materyales,
    binbigyan na natin ng hugis an gating paksang
    susulatin. Maaari na nating sulatin ang burador
    na maaari ring maging batayan sa pangangalap ng
    mga kagamitan. Kailangan Makita natin ang pokus
    n gating paksa sa pamamagitan ng pagtatanong sa
    sarili kung ano ang tunay na paksa.

68
Pagrebisa (Revising)
  • Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang
    upuan lamang. Ang isang mabuting papel ay
    nagdadaan ng ilang yugto ng pag-unlad mula sa mga
    di-formal na tala tungo sa unang burador,
    hanggang sa paynal na papel. Karamihan sa mga
    nalathalang sulatin ay dumaan ng mga pagbabago at
    muling pagsulat hanggang sa maabot nito ang
    pinakawasto at tumpak na pamaraan ng pagsulat.

69
Mga Bahagi ng Pagsulat
  • Panimula
  • Katawan
  • Konklusyon
  • Rekomendasyon

70
Mga Uri ng Gawaing Pagsulat
  • Dalawa ang pangkalahatang uri ng pagsusulat
    ang sulating pormal at ang sulating di-pormal.
    Ang sulating pormal ay galing o bunga ng leksyon
    na pinag-aralan at tinakay sa klase, forum,
    seminar. Maaaring magkaroon o magsagawa ng
    pagsasanay sa pagbuo ng kathang pasalita.
    Pagkatapos ay iwawasto upang pasulatin ang mga
    mag-aaral ng isang kathang di-pormal. Ang mga
    pagsasanay sa pagsulat o paglikha ng kathang
    di-pormal ay siyang gagawing paghahanda at
    basehan para sa pagsulat ng kathang pormal.

71
  • Maraming Salamat po!
Write a Comment
User Comments (0)
About PowerShow.com